eh ano? what if sa panahong ito eh naisipan kong magpalit pansamantala ng relihiyon? yung di nagse-celebrate ng pasko.
what if napili kong christmas character eh yung The Grinch?
what if hindi ako nag-unlimited texting kasi wala akong plano mag-relay ng very original and creative message na, "Merry Christmas! God Bless you and your family! have a blah blah blah.
"malamig ang simoy ng hangin"
hindi nga eh.
una, mainit kaya.
pangalawa, ang usok na, nag-advance Happy New Year na yung mga kapitbahay ko eh.
i was pretty excited for christmas season. isa sa mga dahilan na hindi ako pumayag magspend ng christmas sa amerika. i had a lot of plans that i was eager to see happen. DELUSIONS. ni isa sa mga plano ko, hindi nangyari. meron actually, sumapit naman yung pasko.
some of my December dreams that went to the garbage.
bumili ako ng new shirt that i was planning to wear for this certain occasion (clue: hindi pasko. haha) for some ugly and bullshit reasons, hindi ako nakapunta--(tama ba yung panlapi na ginamit ko? ewan ko lang.)
ang saya ng Lantern Parade '07. SAYA..ng. i came up with more than 200 pictures of mostly people i barely know or don't really know at all!
family christmas party. sa lahat ng araw na mahihilo ako, sa araw na yun pa. i spent the whole night inside the my auntie's house watching X-Men II. silang lahat ay nagsasaya sa garden.
bad side: lumabas na naman ang anti-social skills ko. yes, skills ko yun! HARHAR.
good side: atleast napanood ko na ng buo ang X-Men II at, higit sa lahat, na-conquer ko na ang FEAR ko sa ROCKING CHAIR! oo, tama yun, takot akong umupo ng relaxed sa rocking chair. labo. mga isang oras akong nakaupo sa rocking chair nang hindi sumasandal hanggang sa napagdesisyunan kong sumandal.
at ayan, pasko na. pero mag isa nalang akong gising dito. kamusta naman yun? and to add more to the nega vibes, ka-chat ko pa eh mga taong out of sync din ang christmas spirit.
tanggap kong it's Christmas, pero hindi ito Merry for me. i wanted it to be memorable. in a good way pero hindi. i'll be spending my next christmas in states, i'm sure it'll be fun coz it's my first. pero iba pa rin kung pasko dito sa pinas.
hay. can't wait na mag December 26, para legal na magkaron ng negative vibes. haha.
"maligayang pasko sa inyo" -para ito sa inyo
"pasko na" -para naman sakin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment