Minsan talaga, isa lang akong malaking tanga. Hmm. Hindi pala minsan, in fact, madalas. Nakakainis ng sobra. Kung ano ano talaga ginagawa kong katangahan.
Malalang katangahan, bat ko ba yun ginawa? Ayan tuloy, naba-bother pa din ako. I'm being haunted by all the "what ifs" Grabe. Hindi pa din ako mahilig mag-think twice. Impulsive pa din. Patapos na ang Enero, patapos na rin ang DGMon series. Pero aaminin ko, I'm still thinking about it. I don't want it to be over. There! I said it. But there's not a lot of time for me, there's nothing I can do. Ang tanga ko kasi. But still, DumadaGundong pa din c'Mon! at sadyang DimapiGilan pa din! Ang sad tuloy. Naiinis talaga ko. Sayang.
Another katangahan. Sana inisip ko ng mabuti bago ako pumayag. Sana hindi ko nalang ipinilit ibalik pa yung nawawala na. Siguro ayaw ko lang isuko kasi sayang ang mahabang panahon. Sayang. Ang tanga ko kasi. Ang tanga mo din. Pasensya na, nasanay na talaga kong wala ka, kahit noon pa. Akala ko magiging kasing-saya pa din ng noon, pero hindi na pala. Matagal na akong napagod. Matagal ka nang nahuli sa pagbalik. I just wanted to hold on, because that's what I've been doing for so long, I got used to it. But things have changed, I have changed. You're still the biggest part of me. I don't know how it's going to be in the months to come but you and me, all these five years, I feel it's ending.
Tanga sa Ballerina. Nagtatangatangahan na kunwari hindi ko alam. Natatanga kapag kinakausap. Napapatanga kapag kaharap na. Basta, tanga. Haha. Wala akong masabi.
Tanga tumakbo. Masama tumakbo pag hindi mo alam ang lalim ng lupang tinatakbuhan mo. Parang bata lang, todo takbo pa ako, pero sablay naman! Nagalusan tuloy ako. Masakit. Makapigil hininga ang pagbuhos ko ng alcohol sa aking yayay.
Bakit ba ako bumabasketbol? Alam ko lang magshoot ng magshoot, tamad ako tumakbo, takot ako pag nilalapitan ng defenders. HAHA. ayun na nga, tamad talaga ako tumakbo, takot ako mabangga. Dapat nilalabas ko dito ang pagka-"manly" ko, but no! ang pa-girl ko lang compared sa iba. HAHA. shet. ang lamya ko kasi. Sa pagkakaalam ko, kaya hindi ko kinarir ang paglalaro nung highschool kasi nga takot ako madapa o mabangga, kaya ako nagpingpong, para safe na safe from physical harm ng ibang tao!!!
Pero go lang, ieenjoy ko lang ang masayang samahan ng aming TourCHEs team! Masayang masaya talaga silang kasama. At oo nga pala, ako may pakana niyang funny "TOURism & College of HomeEconomicS" name na yan, joke ko lang kasi talaga pero sinakyan na nila. HAHA. Let's Go TOURCHES!!!
Ang dami kong kalokohan, ilan lang yan. Yung iba, nakakahinayang at nakakapagsisi na ginawa ko, yung iba naman ay may mabuting naidulot sa buhay ko.
Minsan, okay lang talaga magkamali. Bakit? para mabigyang gamit yung salitang chance.
At kung may chance ka na, it's up to you if you'll make a change.Okay lang ako after all. Steady lang as usual.