Thursday, January 24, 2008

I refuse to be lonely

Ganon lang talaga. May mabigat na dahilan para malungkot, pero ayaw ko. Mas pinipili kong maging masaya.

Hahayaan ko na lang yun. Ayun naman ang sinabi sakin. Pero hindi ako malulungkot.

May dahilan para maging masaya. Doon ako magko-concentrate.

Masaya ako dahil:

1. Kahit narealize kong sadyang tamad talaga akong tumakbo at na hindi naman talaga ko dapat nagbabasketball, nag eenjoy akong kasama ung mga kalaro ko. :)

2. Tamad pa din ako mag aral. Hindi pa rin gaanong bawas ung "study" na stickers sa organizer ko. Pero kahit ganyan, mas responsible ako at nagpapractice mag aral.

3. Malapit na rin maging ok ung friendship ko sa isang nakaaway na friend. Haha. Yey! Hindi na ko matatakot sa pagiging mean niya. Wahahaha!

4. Ang sarap rin ngumiti pag nakikita ko yung hinahangaan kong tao. From head to toe, wala kong maipintas. Ibang klase ang pure heart. :)

5. Nakakapaglaro na ulit ako ng table tennis! Ang tagal kong iniwasan, sinubukan ko maka-get over pero heto ako ngayon, mahal pa rin ang sport na ito.

6. Nakakasama ko na ulit yung best friend kong si mike. I so love him.

7. Kahit aalis na ko ulit sa summer, naeenjoy ko ng sobra ung natitira kong time dito.

Madami pa eh. Hahaha.

Happiness is a choice. I made my choice :)

No comments: